SA PANGALAWANG PAGKAKATAON

Nanginginig akong nakatayo sa malaking lumang pintuan. Kabado. Namumutil ang pawis. Pero ito na to. Ito na talaga at wala na itong atrasan pa.

Unti-onti ng bumubukas ang malaking lumang pintuan sa aking harapan. Yumuko akong nakangiti kahit nanginginig. Kasaba’y nito, ay dahan-dahan ko namang iniangat ang masayang mukha ko.

Bukas na ang pintuan. Nakangiti akong naluluha sa saya. Hindi ko maipaliwanag. Basta.

Nagtataka. Nanlaki ang aking mga mata.

Bakit ganon? Walang mga nakangiting mata na nagagalak akong makita? Bakit ganon, hindi ba sila Masaya? Bakit ganon, naiiyak sila? Bakit ganon, umiiyak sila?

Pero naglakad padin ako. Naalala ko kasi yung sinabi mo, na wag akong magpapaapekto sa paligid ko. Kaya naglakad padin ako.

Dahan-dahan. Bawat yapak, tapak, at hakbang ko papunta saiyo, dinadama ko. Masaya, kasi ito na yung araw na pinakahihintay ko. Masaya ako kasi ito na yung araw na sinabi mong inantay mo. Masaya ako kasi ito na yung araw na magiging isa na tayo. Sa wakas!

Naglalakad padin ako. At umiiyak padin sila. Nakaka-asar na!

Pero naglakad padin ako. Hindi ko sila pinansin. Hindi ko sila inisip. Hindi ko sila inintindi. Kasi ikaw lang yung nasa isip ko, kaya nagpatuloy padin ako sa paglalakad ko.

Muli, sa paglalakad ko, wala akong makitang saya. Wala akong maramdamang ligaya. Wala akong nakikitang Nagsasaya. Wala akong maramdamang ni isang taong maligaya. Araw ko to, bakit umiiyak sila? Araw mo to, bakit, bakit sila ganyan! Bakit hindi sila natutuwa.

Araw natin to, bakit wala ka? Nasaan ka? Nasaan ka bakit hindi kita Makita. Bakit wala ka dun sa dulo? Diba dapat nadoon ka? Dapat nandoon ka, nag-aantay. Nagagalak. Naiiyak. Ang tagal ko ba? Continue reading “SA PANGALAWANG PAGKAKATAON”

PAGPILI

Isa, dalawa, tatlong minuto.

Apat, lima, anim na oras.

Pito, walo, siyam na buwan. Nadagdagan pa ng tatlo, isang taon… pumikit ako, ayoko na. Naluluha ako, parang ayoko na.

Paulit-ulit kong tinanong ang aking sarili, kaya mo pa ba? Ako naman si tanga, sasagot “Oo, kaya ko pa, kaya ko pa, diba?”. Kahit sa tuwing susubukan kong tumingin sa paligid, palingon palang ako, ramdam ko na ang pag-iling nila. Yung sabay-sabay, paulit-ulit, nakakarinding “Tama na, sumuko kana. Isuko mo na sya”. Continue reading “PAGPILI”