ILANG ARAW

Dalawang oras at kalahati na lamang ang natitira, alas dose na. Yung sa dami ng aking ginagawa, ni hindi ko man lang naisip na batiin ka.

Isang minuto ang nakalipas, nang isulat ko yung unang talata na naisip ko. Ang bilis ng oras. Sobrang bilis. Gusto kong habulin pero imposible. Pero, bakit ko hahabulin ang oras? May dapat ba kong balikan? Panghinayangan? May dapat ba akong itama at gawin na hindi ko nagawa? Alam ko wala. Sigurado ako wala.

Hindi ko pa man nasisimulan isulat ang hindi ko alam kung tula ba ito o isang uri ng kwento, nalulungkot na ako. Naluluha.

Apat na pu’t apat na araw na lang…

Natahimik ako sandali. Napapikit. Huminga ng malalim. Dinama ang paligid.

Teka, ang gulo. Hindi ko alam kung sino ba talaga ang bida dito sa aking kwento. Kanina pa ko paliguy ligoy. Nauubus na ang oras ko…

Isa’t kalahating oras nalang.

Simulan ko na nga…

Masaya ako. Oo seryoso masaya ako. Masaya ako para sa babaeng unang magbabasa nito. Masaya ako para sa babaeng kinuhaan ko ng lakas para masimulan to.

Sa susunod na taon, bagong kwento na ang tatahakin mo. Panibagong hamon. Panibagong lungkot at saya. Pero sana magtiwala ka. Magtiwala ka na kaya mo. Kasi kakayanin mo. Hindi lang para sa sarili mo. Kundi para sa mga taong nagpapasaya sayo at pinapasaya mo.

Alam ko, ang tagal mong inantay ang pagkakataong ito, kasaba’y na rin ang pagaantay mo sa taong alam mong inilaan sayo. Ayan na sila, magkasunod pa. Magkaibang dahilan pero iisa ang dala. Saya.

Masaya ako para saiyo. Kasi unti-onti na natutupad yung mga bagay na pinagdadasal mo. Pati na yung mga bagay na akala mong hindi mapapasayo.

Hindi ko na matandaan yung unang araw na nagkakilala tayo. Pati nadin yung bilang ng taon na magkaibigan tayo. Ang kaya ko na lang bilangin ay yung araw ng paglagi mo.

Sa mga kaganap sa buhay mo, isa ako sa taong masaya at nagsasaya para sayo. Hindi man halata, pero maniwala ka ayon ang totoo.

Magkaiba man ang landas, iisa naman ang isinisigaw ng utak at puso na meron tayo.

Malapit na. Nalalapit na. Kalahati man akong malungkot, kalahating masaya. Pero panigurado, buo akong magaantay sa pagbalik mo.

Marami pa tayong lugar na pupuntahan. Damit na kahihiligan. At saya na pagsasaluhan.

Hindi ako magpapaalam kasi hindi naman ito ang katapusan. Oo malulungkot ako, pero ngingiti naman ako pagtalikod mo. Hindi ko lalagayan ng malungkot o masayang ending. kasi alam ko, hindi pa talaga ito ang totoong kwento. Panimula lang ito.

Kaya Kaibigan, magingat ka. Magpakatatag ka. Ikalat mo sa Dubai yang angkin mong ganda.

—End—

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s